Showbiz News

Rhian Ramos, bumisita sa mga kababaihang nakaranas ng pang-aabuso

By MARAH RUIZ

Isang kakaibang hapon ang naranasan ni Kapuso actress Rhian Ramos kahapon, July 28.

Bumisita kasi siya sa SAGIP Crisis Center for Abused Women and Children.


Nakausap niya ang ilang mga kababaihan sa center tungkol sa kanilang mga karanasan bilang mga abused o battered women.

Espesyal ding nagdala si Rhian ng ilang episodes ng kanyang GMA Afternoon Prime soap na Sinungaling Mong Puso para ibahagi sa mga babae doon. 

Bilang mga survivors ng pang-aabuso, humingi rin si Rhian sa kanila ng ilang komento at mga kuru-kuro tungkol sa kanyang serye kung saan gumaganap siya bilang isang maybahay na nasa mapang-abusong relasyon. 

Matapos ang screening ay naghanda si Rhian ng munting salusalo na inuluto pa mismo ng kanyang ina. 

Ang SAGIP o Saklolo at Gabay ng Ina at Pamilya ay isang 24-hour crisis center na may ilang mga programang tumutulong sa mga kaso ng abuso laban sa mga babae at mga bata. 

MORE ON RHIAN RAMOS:

Rhian Ramos thanks supporters for "a fun and strange experience" during FHM Victory Party

WATCH: Rhian Ramos dancing in the rain

Rhian Ramos flies a plane!