Showbiz News

Aiai Delas Alas, ipinakita ang pinaghirapang katawan sa isang two-piece swimsuit

By MARAH RUIZ

Kapansin-pansin ang pagpayat ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas simula noong nagpalit siya ng diet. Matatandaang simula ngayong taon, puro organic na ang kanyang kinakain at umiiwas na siya sa mga junk food. 

Kaya naman hindi niya pinalampas na ipakita ang pinaghirapan niyang katawan sa isang black two-piece swimsuit.


"IN NGAYUN ANG FHM 100 sexiest .. Kung meron FHM 100 ... Ako ang pang 101 FHM FIGHT HANGGANG MAUMAY ... 101 dalmatian?" biro niya sa caption. 

Kasalukuyang nagshu-shoot si Aiai para sa pelikula ni direk Louie Ignacio na Area kung saan gumaganap siya bilang isang prostitute na tumanda na. 

MORE ON AIAI DELAS ALAS:

Ano'ng reaksyon ni Aiai Delas Alas nang mapanood ang raw footage ng kanyang pagganap bilang prostitute?

LOOK: Aiai Delas Alas shows off her curves on Instagram