Showbiz News

Ano ang karaniwang white lies ng 'Sinungaling Mong Puso' cast?

By MARAH RUIZ

Ang white lie ay isang maliit o hindi nakakasirang kasinungalingan na karaniwang ginagamit ng isang tao para hindi makasakit ng damdamin ng iba. 

Dahil may tema ng kasinungalingan at pagbabalatkayo ang GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso, itinanong ng ilang piling miyembro ng media kung ano ang mga white lies na karaniwang binibitawan ng cast nito. 

Sinungaling Mong Puso: Pinagtatagpo ng tadhana

"'Hello? Oo, bro. On the way na 'ko.' [I'm] watching TV while saying [I'm] on the way," bahagi ni Rafael Rosell.

"Kapag may nagsabi na, 'Bagay ba ito? Baduy ba ito?' [I say], 'Hindi, okay naman!'" kuwento naman ni Rhian Ramos.

Parehong tungkol naman sa traffic ang mga common white lies nina Kiko Estrada at Jazz Ocampo.

"This has happened a lot. 'Kiko, nasaan ka na?' 'Nasa Cubao pa lang.' Pero sa totoo nasa Ayala pa. But I'm never late though!" ani Kiko. 

Sinungaling Mong Puso: A scandalous affair

"'Jazz, nasaan ka na?' 'Naghahanap lang ng parking.' 'Yun pala stuck in traffic pa rin," sagot naman ni Jazz. 

Subaybayan ang iba't ibang kasinungalingan at mabubunyag na mga katotohanan sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON 'SINUNGALING MONG PUSO':

MUST-READ: Ang mensahe ng orihinal na direktor ng 'Sinungaling Mong Puso' sa bagong cast nito

WATCH: Cast ng 'Sinungaling Mong Puso,' nagpaabot ng pasasalamat sa isang behind-the-scenes video