Showbiz News

EXCLUSIVE: Stephanie Sol, iba ang approach sa sexy role

By MARAH RUIZ

Audition pa lang, na-pressure na daw si Kapuso actress Stephanie Sol sa role na nais niyang gampanan sa GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso.

Siya kasi ang gumaganap bilang Camilla, ang sexually liberated na kabit ng karakter ni Rafael Rosell na si Roman.

Sinungaling Mong Puso: Ang mapang-akit na babae

"When we went to the audition, sexy daw at daring [si Camilla]. Sabi ko, 'Oh my gosh. Ito na naman tayo.' Na-pressure ako," kuwento ni Stephanie sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

"Sobrang nape-pressure ako kasi sabi magpapayat. Eh 'yung body type ko, athletic talaga. Ang hirap! Sabi nila, siyempre mas sexy, mas malaman," dagdag niya. 

Kaya naman ibang atake ang nais niyang subukan para dito.

"What I wanted to show is hindi lang sexy 'yung how they dress, but how they are talaga as a person," paliwanag niya. 

Paano nga ba ang maging sexy kahit balot na balot?

"Gusto ko 'yung kahit nakadamit siya, para siyang nakahubad. Parang sa mukha niya, sa tingin niya ganoon 'yung effect. Naririnig mo pang lang siya, parang 'Ay! Ang landi ng babaeng 'yan," aniya. 

Ibinahagi din niya ang ilang pointers ni series director Ricky Davao. 

"Everyone else, outside Roman, I can get whatever I want. Kay Roman, para akong puppy. I'm a slave for you 'yung peg 'pag siya na 'yung kaharap ko. With everyone else, I can get what I want," bahagi ni Stephanie. 

Bahagya din niyang ipinaliwanag ang ugat ng relasyon ni Camilla kay Roman. 

Sinungaling Mong Puso: A scandalous affair

"I know my power over him is kaya kong ibigay 'yung sexual desires niya. Kung pagalit siya, lalandiin ko lang siya para hindi na siya magalit. Challenging siya! Paano ko ba gagawin 'yon?" 

Subaybayan si Stephanie sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.

 

MORE ON STEPHANIE SOL:

WATCH: Stephanie Sol in a pink bikini for her new TVC

WATCH: Stephanie Sol's different reactions to 'Tumaba ka yata'