Showbiz News

Alden Richards, natutulog sa sahig?

By MICHELLE CALIGAN

"Para hindi ko malukot ang kama!"

Ito ang naging sagot ni Alden Richards nang tanungin kung bakit siya natutulog sa sahig kapag may early flight. Metikuloso daw siya at hindi siya umaalis ng bahay hangga't hindi maayos ang kanyang higaan.

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, isa lang daw ito sa mga sikretong ibinahagi ng Pambansang Bae sa kanyang librong 'Alden: In My Own Words.'

READ: Alden Richards's book is now available!

"'Yun ang mga things na makikita nila sa libro. Kung gusto n'yo po magkaroon ng idea on what my life is since the day I was born, mayroon pong kaunting background diyan," kuwento niya.

Isang ultimate throwback picture naman ang makikita sa likod ng libro ni Alden. Ito ang graduation photo niya noong kindergarten.

Bukod sa libro, may perfume line na rin ang Kapuso actor na sold out after two weeks ng release nito.

 

 

MORE ON ALDEN RICHARDS:

EXCLUSIVE: Ano pa ang gustong makamit ni Alden Richards?

LOOK: Alden Richards and Maine Mendoza's kilig online exchange