Showbiz News

Solo launching movie ni Derrick Monasterio, birthday gift ni Mother Lily Monteverde

By FELIX ILAYA

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Tanghali ng August 2, pumunta si Derrick Monasterio sa 38 Valencia Events Place upang pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment Inc. Habang nasa contract signing ay nabanggit ng Kapuso Actor na kahapon siya nagdiwang ng kaniyang 21st birthday kaya malaki ang pasasalamat niya kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Entertainment para sa opportunity na ito.

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Ani Derrick, "Unang-una, this is a nice birthday gift po para sa akin, I would like to thank Mother Lily and Miss Roselle (Daughter of Mother Lily) for welcoming me to [the Regal] family. Super thank you kasi isa 'to sa pinakamalaking blessing na natanggap ko this year. Of course, kay God, thank you so much for giving me this blessing. Excited na po ako dito sa project na ito and hopefully makagawa na ako ng film as soon as possible."

Nang malaman ni Mother Lily na kakatapos lang ng birthday ni Derrick ay kinuha niya ang atensyon ng lahat para sa isang malaking announcement.

"My birthday gift to him, Derrick, is a solo launching movie," anunsiyo ng batikang film producer.

Hindi naman napigilan ni Derrick ang pagngiti at napayakap pa nga ang young actor kay Mother Lily nang marinig niya ang balita.

Congratulations and Happy Birthday, Derrick!

MORE ON DERRICK MONASTERIO:

Derrick Monasterio helps in Sangguniang Kabataan registration 

Cast ng 'Tween Hearts,' muling nag-reunion 

LISTEN: Derrick Monasterio, ginaya ang boses ni Babalu