Showbiz News

Paano nagsimula ang love story nina Aicelle Santos at Mark Zambrano?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Nasa La Diva pa lamang si Aicelle Santos, crush na umano ito ni Mark Zambrano. Ito ang isa sa mga ibinahagi ng real-life couple kay Regine Velasquez-Alcasid sa kanilang pagbisita nitong Sabado, July 30  sa Sarap Diva.


Pagsisimula ni Mark, "Noong La Diva days pa lang crush ko na po siya. Eh since nandoon pa sila, wala kaming chance na mag-meet."

Bagama't nasa iisang network lamang sina Mark at Aicelle magkaiba pa rin sila ng department.
Si Mark ay nasa News and Public Affairs habang si Aicelle naman ay nasa Entertainment kaya nahirapan silang magkatagpo ng landas.

Pahayag ni Mark, "Magkaibang mundo. We never met before. So recently lang ulit nung napanood ko siya sa Eat Bulaga, sabi ko lalong gumanda. Tapos naglakas loob lang ako kasi wala akong means to contact her, I follow her sa Instagram. So doon ako nag-message."

Ibinahagi naman ni Aicelle ang kanilang naging simula ng pag-uusap. Aniya, "Nabasa ko 'yung name niya, Mark Zambrano, di binuksan ko kasi sabi [ko] parang familiar. Ang message niya, 'Hi! I'm a big fan of your work. Hope to see you around the network.' Sabi ko, 'Ay taga-siyete.' Binuksan ko muna 'yung profile, sinilip ko sabi ko 'Ah news reporter.' So reply ako, sabi ko 'Thank you, yes see you around.' Ganun lang kasimple. Tapos nag-message na siya ng dire-diretso."

'Di nagtagal, niyaya na ni Mark si Aicelle sa isang date ngunit hindi kumbinsido si Aicelle dahil maraming posers sa social media. Gumawa umano siya ng paraan para mapatunayan kay Aicelle na siya talaga ang may-ari ng account.

Saad ni Mark, "Sabi ko sige para mapatunayan talagang ako 'yun may-ari ng account, na ako talaga 'yun, magpagawa ka sa akin ng something sa picture na instructions ba na gagayahin ko para mapatunayan na ako 'yun. Napatunayan niya na ako talaga 'yung may-ari."

MORE ON AICELLE SANTOS AND MARK ZAMBRANO:

LOOK: Aicelle Santos and Mark Zambrano kiss amid Singapore city view

Mark Zambrano joins Aicelle Santos in Singapore

READ: Traffic Diva Aicelle Santos, may mensahe sa parents ni Mark Zambrano