Showbiz News

Kapatid ni Maine Mendoza na si Coleen, certified fan ng 'Descendants of the Sun'

By AEDRIANNE ACAR

Buong bansa na ang nahuhumaling sa pinakabagong Koreanovela series ng Kapuso Network na Descendants of the Sun’(DOTS) na gabi-gabing napapanood sa GMA Telebabad.

At kahit ang kapatid ng AlDub superstar na si Maine Mendoza na si Coleen Mendoza, tinamaan na rin ng Big Boss fever.

Ayon sa Tweet ng magandang dalaga ngayong Miyerkules ng hapon, August 3, mukhang certified DOTS fan na rin si Coleen.

Gumaganap bilang si Lucas Yoo ang Korean actor na si Song Joong-ki at ang dating Full House star na si Song Hye-kyo ang nagbibigay buhay sa karakter ni Dr. Maxine Kang. 

MORE ON 'DESCENDANTS OF THE SUN':

Filipino male celebs na look-alikes ng Korean stars 

IN PHOTOS: Kilalanin ang cast ng 'Descendants of the Sun'