Showbiz News

Derrick Monasterio, handa na sa mga mas daring na roles

By FELIX ILAYA


Isa si Derrick Monasterio sa mga may pinaka magandang katawan sa balat ng showbiz kaya't habang nasa contract signing ang Kapuso Hunk para sa Regal Entertainment Inc. noong August 2, hindi naiwasan ng press na tanungin si Derrick kung nais niya bang bumida sa mas mature na roles.

IN PHOTOS: Derrick Monasterio signs contract with Regal Entertainment Inc. 

"Oo naman po, nagpakita na nga ako ng skin sa Cosmo 'eh! (laughs) Para sa movie, para sa art siguro, hindi naman siya bastos 'eh, sining naman siya. As long as nasa lugar pa din siya, okay lang," sagot ni Derrick.

Kahit gayon, may mga boundaries pa din na nais masunod ng aktos. "Siguro 'yung limitation is 'yung bold. Topless-topless lang," pabiro niyang tugon.

Para kay Derrick, excited na siyang makagawa ng movie. Ani ni Derrick, "Na-miss ko talaga 'yung big screen kasi ang tagal na 'nung huli kong movie, 'The Road' pa po 'ata 'yon."

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:


MORE GALLERIES:

Solo launching movie ni Derrick Monasterio, birthday gift ni Mother Lily Monteverde 

Derrick Monasterio soaks up the sun in men's magazine cover 

LISTEN: Derrick Monasterio, ginaya ang boses ni Babalu