TV

'Karelasyon' presents 'Anino'

Kapag ang isang babae ay may manliligaw na parating dumadalaw sa kanya, ang dulot nito marahil ay kilig o tuwa. Pero sa sitwasyon ng nursing student na si Alma, kilabot at takot ang hatid ng kanyang bisita na sa panaginip lang nagpaparamdam sa kanya.

Suspetsa ng kanyang mga kaibigan, labis na stress sa pag-aaral ang sanhi ng hindi pagkakaroon ng mahimbing na tulog ni Alma.

Pero nang maging marahas na ang kanyang kakaibang manliligaw, lubos nang naaapektuhan ang wisyo at kalusugan ni Alma.

Guni-guni nga kaya ito ng dalaga? Paano siya makakalaya mula rito upang maipagpatuloy niya ang simple at tahimik na buhay kasama ang kanyang lola at mahal na kasintahan?

Alamin kung ano kababalaghang bumabalot sa mga gabi ni Alma?  

Abangan ang kwentong ito sa Karelasyon. Pagbibidahan ni Max Collins kasama sina Rodjun Cruz at Vangie Labanan, sa panulat ni Honee Alipio at direksyon ni Zig Dulay.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.