Showbiz News

Ken Chan, Bea Binene, and Ryza Cenon, kasama sa upcoming 'Enteng Kabisote' movie

By MICHELLE CALIGAN

Pagkatapos ng apat na taon, muling mapapanood si Vic Sotto bilang si Enteng Kabisote sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers, na magiging official entry sa Metro Manila Film Festival 2016. Ginanap ngayong Miyerkules, August 10, ang story conference ng nasabing pelikula.


Masayang-masaya si Kapuso actor Ken Chan nang malamang kasama siya sa pelikulang ito dahil matagal na daw niyang itong sinusubaybayan.


"Bata pa lang ako sinusubaybayan ko na ang #EntengKabisote tuwing Pasko tapos ngayon kasama na ako! Yehey! Excited na ako sa darating na #MMFF2016," saad niya sa caption.

Itinuturing namang new blessing ni Ryza Cenon ang proyektong ito.


Thankful din ang Conan, My Beautician actress na si Kakai Bautista na maging bahagi nito.


MORE ON KEN CHAN:

Ken Chan prepares for his first solo concert

Ken Chan credits his present success to his role in 'Destiny Rose'