Showbiz News

JoWaPao, reunited sa 'Enteng Kabisote 10 and the Abangers'

By CHERRY SUN

Buo na naman ang D’Explorer sisters ng kalyeserye dahil muling magsasama-sama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

“Pag kumpleto kami, mas magulo kami. Mas malilikot ‘yung mga lola, mahaharot na mga lola. Masaya,” sambit ni Jose sa panayam ng 24 Oras.

“Hindi lang kami. Halos lahat ng dabarkads, nami-miss na si Paolo,” dugtong ni Wally.

Memorable daw para kay Jose ang movie franchise dahil dito niya nakamit ang hindi niya inaasahang Best Supporting Actor award.

Pag-alala niya, “Nagso-show ako sa Klownz, biglang dumating si direk. Namatay ilaw, si Direk Tony (Reyes) nasa likod na, dala-dala ‘yung trophy ko.”

Para naman kay Wally, memorable ang ika-sampung Enteng Kabisote dahil gagawin niya ito nang siya ay isa nang lolo sa totoong buhay.

Kuwento niya, “Hindi na palabas, kung hindi totoo na ‘to. Lolo na [ako]. ‘Yung pakiramdam ng lolo, parang pag karga mo ‘yung apo mo, hindi ka pa rin makapaniwala na lolo na ako.”

Ayon sa parehong ulat, naghahanda rin ang dalawang komedyante para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya.

“Mini-meeting palang kami sa gagawin namin, tinatanong ko agad, ‘Kaya ba natin ‘to?’ Ganun agad ‘yung nasa isip namin. So, kanta, sayaw, comedy, talagang sabog-sabog ‘to,” ani Jose.

“Abangan nila ‘tong anniversary kasi syempre siguradong pinaghahandaan ito ng production people ng Sunday PinaSaya, ng GMA kasi first year anniversary ito ng Sunday PinaSaya,” imbitasyon naman ni Wally.

Video from GMA News

MORE ON JOWAPAO:

LOOK: JoWaPao, featured celebrities in a leading men’s magazine

#LOL: JoWaPao, among the Kapuso stars who reinvented comedy

READ: Vic Sotto, mala-millenial ang pagbabalik bilang Enteng Kabisote