Showbiz News

Former Viva Hot Babe Andrea del Rosario, iiwan na ba ang showbiz bilang Vice Mayor ng Calatagan?

By BEA RODRIGUEZ

 

Pinasok na ng dating Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario ang mundo ng pulitika bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas.

Unang beses pa lamang siyang tumakbo sa pagka pangalawang alkalde ngunit buo ang suporta ng mga lokal sa kanyang pagtakbo kaya nahalal kaagad siya sa pwesto nitong 2016.

Ang kanyang yumaong ama pala ang nagsilbing inspirasyon, “It started when my father passed away. He’s the one from here [and] who lived here. He’s not in politics, but talagang I grew up hearing his love for this town. Na-absorb ko talaga.”

 

Nakapila na ang mga proyekto na nais niyang gawin sa kanyang termino. Saad ng actress-turned politician, “I am very passionate about Tourism. We’re Agritourism [and] we’re [at] the tip of Batangas [so] why not use that strength to somehow put Calatagan in the map.”

Nito lang ay naging matagumpay ang kanyang idinaraos na feeding program, “I was able to solicit some help from friends [so] I gave away vitamins. I somehow pulled together network of friends who can help out.”

Dahil sa maayos na transisyon, tuluyan na bang iiwan ni Andrea ang showbiz? Ang tanging naging sagot niya kay Tunay Na Buhay host Rhea Santos: “Hindi naman ‘to lingid sa kaalaman ng tao that we only get a certain amount or we only get paid a certain amount so siyempre I need to work somehow.”

MORE ON ANDREA DEL ROSARIO:

WATCH: Andrea del Rosario: From Viva Hot Babe to businesswoman 

LOOK: 10 most adorable photos of Andrea del Rosario and daughter Bea