Showbiz News

Paolo Ballesteros, malapit na raw bumalik sa 'Eat Bulaga'

By CHERRY SUN

Abala ngayon sa tatlong pelikula si Paolo Ballesteros. Ngunit kahit mapapanood ang dabarkad sa pinilakang tabing, marami pa rin ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa longest-running noontime variety show.

Tampok si Paolo sa pelikulang Die BeautifulBakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend, at Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Sa ulat ng 24 Oras ay ipinakita niya ang kanyang step-by-step process sa kanyang make-up transformation para sa naunang nabanggit na pelikula.

Una rito ang base at eye make-up. Dapat din daw naka-contour ang lips, nose at cheeks. Ikatlo at huling step ang pagsusuot ng wig ngunit ang pinakamahalaga ay ang tamang pag-emote.

Paliwanag ni Paolo, “Inaaral ko rin kasi ‘yung expression nila, ‘yung emote nila. Actually doon nga ako mas napapagod eh.”

Kailan naman kaya natin siya muling mapapanood sa Eat Bulaga?

Aniya, “Sa tamang panahon (laughs). Babalik na, malapit na. See you soon!”

 

MORE ON PAOLO BALLESTEROS:

READ: Paolo Ballesteros, dabarkads pa rin

MUST-SEE: JoWaPao, nagsimula nang mag-taping para sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers 

LOOK: First shooting day of Paolo Ballesteros, Anne Curtis & Dennis Trillo for Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?