Showbiz News

Mark Herras-Jennylyn Mercado love team reunites in 'La Vendetta'

Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Matatawag na official reunion nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang bagong teleserye ng GMA-7 na La Vendetta. Marami na raw silang nakunang eksena sa location shoot ng naturang soap opera sa San Fernando, Pampanga. Ang huling regular show nina Mark at Jennylyn together ay ang I Luv NY at muli silang nag-reunite sa isang episode ng Magpakailanman. Pero aminado si Mark na may kaba pa rin sa kanyang dibdib dahil muli silang magkakatrabaho ni Jennylyn sa isang proyekto. Sa tagal din daw kasi ay parang hindi na niya alam kung paano aarte sa tabi ng kanyang ex-girlfriend. "Lahat naman yata ganun ang mararamdan, e. Pero pakiramdam ko naman na nandoon pa rin ang chemistry namin. Matagal kasi ang space ng hindi namin pagtatrabaho together sa TV. Pero babalik din naman 'yon paunti-unti," sabi ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Maging si Jennylyn bagama't excited ay kinakabahan sa muling pagsasama nila ni Mark. "Natural lang yung kabahan din ako kasi as compared to Mark, matagal akong nawalan ng trabaho. Pero nagpapasalamat ako kay Mark because naging patient pa rin siya sa akin noong magsama kami sa Magpakailanman. Supportive pa rin siya talaga. Dito sa La Vendetta, marami kaming mga eksena na mas mabibigat kaya all the more na kailangan naming mag-work together ni Mark para maganda lumabas," lahad ng young actress. Ayon pa kay Jennylyn, hindi na raw nagseselos ang kanyang boyfriend na si Patrick Garcia sa pakikipagtrabaho niya kay Mark. "Naiintindihan naman niya ang situwasyon ko. Trabaho ito at kailangang gawin. It's nothing personal naman, e," sabi ni Jennylyn. "At first talagang nagkaproblema with Patrick but later on, he understood. Naisip niya na it's all work. Naging professional lang kami ni Mark." As for Mark, wala naman daw selos na nararamdaman ang nababalitang girlfriend niyang si Lian Paz ng EB Babes sa muling pagsasama nila ni Jennylyn. "Alam ni Lian na may mga ganitong mangyayari sa showbiz at okay lang sa kanya. Alam niyang may following ang loveteam namin ni Jen kaya all-out din ang support niya sa amin," ani Mark. Bukod sa La Vendetta, magkakasama ulit sina Mark at Jennylyn sa action-drama series ng GMA-7 na Joaquin Burdado na pagbibidahan ni Robin Padilla. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) Are you excited for Mark and Jennylyn's return to their love team? And on primetime television, no less! Talk about it at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso stars through iGMA Live Chat! If you want to be the first to know about intrigues, find out from the stars themselves! Feel the Fun with Jennylyn by texting JENNYLYN to 4627! Feel the Fun with Mark by texting MARK to 4627! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.)