Showbiz News

Mark Zambrano, may kakambal?

By FELIX ILAYA

Kamakailan ay nag-post ang GMA reporter at boyfriend ni Aicelle Santos na si Mark Zambrano ng isang photo kung saan kasama niya ang kaniyang "twin brother."


Ang kasama ni Mark sa litrato ay ang international model na si June Macasaet at tila ba pinag-biyak na bunga ang dalawa!

Ayon sa post ni June, "It's always good to see my twin brother! Bro, at least 200% pogi points 'pag pinagsama tayo!"

Parehong hilig ng dalawa ang sport na basketball kaya't nagkasalubong sina Mark at June sa NBA 3X Philippines na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall, Pasay.

MORE ON AICELLE SANTOS AND MARK ZAMBRANO:

GMA News reporter Mark Zambrano says Aicelle Santos is "super" worth the wait 

Aicelle Santos ibinahagi ang kanyang nakakakilig na birthday greeting para kay Mark Zambrano 

Mark Zambrano's promise to Aicelle Santos: "Mahal, iyong iyo na ako"