Showbiz News

Marlann Flores on working with Direk Bibeth Orteza: 'Ang cute niya, sobrang bait' 

By AEDRIANNE ACAR

 

Matapos lumipat ng former Kapamilya talent na si Marlann Flores sa GMA-7 ay sunod-sunod ang mga projects ang dumating sa magandang dalaga.

Host siya sa GMA NewsTV program na Day-off at mapapanood naman siya online sa Encantadia Session bilang isa sa mga correspondents nito.

Kabilang din si Marlann sa patok na Kapuso comedy show na Hay, Bahay!

Sa exclusive interview ng GMA Network.com sa aktres, nag-kuwento ito kung gaano kasaya at ka-relax na maka-trabaho ang direktor nila sa Hay,Bahay! na si Direk Bibeth Orteza.

Kuwento ni Marlann, “Ay ang cute, niya sobrang bait ni Ms. Bibeth [Orteza]. Hindi siya ‘yung direktor na nakakatakot, parang barkada siya, parang minsan magjo-joke pa siya,”

Dagdag niya, “Nakakatawa siya tapos ang bait. Siya kasi ‘yung unang talagang tumanggap sa akin, siya ‘yung parang nung nag-audition ako parang ‘sige ito ‘yung gagawin nating role nag-iisip na siya for me agad.”

Kung mabibigyan naman siya ng chance ni Direk Bibeth na mag-conceptualize ng isang episode para sa Hay,Bahay!, ano kaya ang magiging i-storya nito?

Saad ni Marlann, “Yung gaganda si Bolina, gusto ko ime-make over ako [laughs]. Siyempre ang saya nun noh, kasi ‘yung prosthetics medyo masakit siya eh. So, parang gusto ko lang ma-try naman na maganda ako dun.”

MORE ON MARLANN FLORES:

Marlann Flores, ikinuwento ang dahilan kung bakit siya nag-transfer ng network

EXCLUSIVE: Marlann Flores on 'Encantadia': "Isa siyang legend when it comes to telefantasya"