Showbiz News

WATCH: President Duterte, nag-guest sa 'Mars?'

By BEA RODRIGUEZ

Matagal nang napapagkamalan si Crescencio “Inday” Estramus ng Manticao, Misamis Oriental bilang ang dating Davao City Mayor na si Rodrigo “Digong” Duterte bago pa man siya mahalal bilang presidente ng Pilipinas nitong taon. 


Nakitaan daw siya ng pagkakatulad ng kanyang mga katrabaho sa treasurer’s office ng munisipyo nang pumunta sila sa Davao para sa isang seminar noong 2000.
 
Parehong nakasanayan ng dalawa ang humahawak sa baba pati na rin ang kanilang tono ng pananalita kaya pinagaya na rin nina Mars Camille Prats at Suzi Abrera kay Inday ang ilang mannerisms ni Digong.
 
#Trending: Jose Manalo’s nearly-perfect impersonation of Rodrigo Duterte hits 1M views on YouTube in less than three days!
 
Kamukhang-kamukha at gayang-gaya ni Pars Inday ang mga ito kaya madalas siyang napapagkamalan, “Marami nang nagpa-picture kahit saan nang nanalo na si Digong.”
 
Sa sobrang kasikatan, inalala ni Inday ang kanyang seguridad, “Kinakabahan ako [tulad] ng sa Facebook [na] baka ma-tripan [ako].”
 
Dahil dito, minabuti na ng Mars bisita na mag-ingat, “Nag-change look ako kasi natakot [ako sa] may galit [sa presidente].”



READ: Ano ang bilin ni incoming president Rodrigo Duterte kay Rodney Juterte?