Showbiz News

Tom Rodriguez at Balang, magiging hosts ng bagong TV show na '#LIKE'

By BEA RODRIGUEZ

Magtatampok ng viral stories online si Kapuso star Tom Rodriguez kasama ang dancing child star na si Balang sa pinakabagong show na #LIKE ngayong Setyembre.
 
Namamangha ang hunk actor sa kanyang mga napapanood na viral videos kaya excited na siyang i-host ang programang ito.
 
Saad niya sa Unang Hirit, “Overflowing with talent, lalo na ‘yung mga talentadong mga Pinoy talaga na nagtatago sa Internet. We will be featuring them dito so it’s [going to] be a lot of fun.”
 
Hindi na rin siya makapaghintay na mapanood ang mga ito sa personal, “It’ll be weird seeing it live, ‘yung sa harap mo mismo kasi sanay ako na nakikita ko lang sa YouTube [so] excited ako to see how it unfolds.”
 
Pinuri pa ni Tom ang kanyang bibong co-host na ilang beses nang na-feature sa American TV show na The Ellen DeGeneres Show dahil sa mga viral videos nito, “First time ko siya makasama pero it’s not the first time that I’ve seen or heard of him, especially official Zumba instructor na siya.”
 
READ: Balang captures the attention of international recording star Snoop Dogg
 
Samantala, nagpapasalamat ang aktor na muling nabigyan siya ng proyekto kung saan maipapamalas niya ang kanyang galing sa pag-host, “Happy ako na ma-expose na naman ako sa isang area na bago sa career ko.”
 
READ: Lovi Poe at Tom Rodriguez, gaganap na mag-asawa sa ‘Someone To Watch Over Me’


Video courtesy of GMA News