Showbiz News

Tom Rodriguez thought that Alzheimer's Disease is the new 'amnesia' of teleseryes

By GIA ALLANA SORIANO

Inakala ni Tom Rodriguez na nung una ay isang “plot device” ang Alzheimer’s Disease, ngunit pagkatapos niya mag-research, nalaman niya kung gaano kaseryoso ang sakit na ito.
 
EXCLUSIVE: Tom Rodriguez wants the youth to be aware of Alzheimer's Disease
 
Ika niya, “Nung nabasa ko lang po siya, doon pa lang, eh. Parang kikilabutan ka na. Sabi ko, sana matuloy [itong show na] ito, na-excite ako agad. Sa totoo lang, ako na laging nagsasabi, hindi ko talaga akalain na puwede mangyari ito sa totoong buhay."

"Sorry, pero medyo naisip ko pa nung  una, ‘Ano ba ito na ba ‘yung bagong amnesia sa teleserye?’ Eh, akala ko it was a plot device. Nung nabasa ko siya, and nag-research ako, [doon ko nalaman] na ito’y nangyayari.”
 
Pinaliwanag pa niya na sa ganitong karamdaman, lahat ng malalapit sa pasyente ay apektado rin. Ika niya, “Sa role na lang ni Lovi, si Joanna, akala ko ‘yung pasyente 'yung may mas mahirap na pinagdadaanan, pero mahirap din pala 'yung pinagdadaanan ng pamilya nila. And the fact na maraming kaso na ganito, early onset Alzheimer’s, and the fact na maraming nagsasakripisyo at pinapakita ang pagmamahal nila.”
 
Dagdag pa ni Tom na sa show na ito at pati sa totoong buhay, “Napapakita pa rin kung gaano kalaki ang kapasidad natin magmahal at magsakripisyo para doon talaga sa may hawak ng puso natin.” Aniya’y bilib siya sa mga taong kayang ibigay ang lahat para sa taong mahal nila.
 
MORE ON 'SOMEONE TO WATCH OVER ME':

 
Tom Rodriguez to portray an Alzheimer's disease patient in 'Someone to Watch Over Me’
 
Tom Rodriguez on working with Lovi Poe: “She’s so good na madadala ka”