Showbiz News

Rita Daniela, nais ipakita ang kaniyang true self sa 'Superstar Duets'

By FELIX ILAYA

Isa si Rita Daniela sa mga kasali sa pinaka bagong celebrity singing competition ng GMA na Superstar Duets ngunit ano kaya ang kaniyang reason kung bakit siya sumali?Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa young singer-actress, gusto daw ni Rita na sumali sa Superstar Duets dahil fun and friendly competition daw ito.

IN PHOTOS: Pictorial of 'Superstar Duets' 

Aniya, "At first, I know it's gonna be fun and even if it's a competition, I treat it as a friendly competition. Halos lahat din naman ng kasali dito, friends ko rin so alam kong magiging masaya siya."

Inamin din ni Rita na sa pagsali niya dito, nais niyang makilala ng mga manonood kung sino talaga siya.

"Dito niyo makikilala si Rita Daniela. Hindi 'yung Rita the nakikita niyo sa TV na actress or the singer. Si Rita, 'eto 'yung tunay na ako. Kaya rin tinanggap ko siya kasi para rin mawala sa ibang tao 'yung image ko na kontrabida tapos akala nila in real life ganoon din. Hindi po. 'Eto po ako, 'eto 'yung gusto kong gawin, gusto ko pong kumanta, mag-perform, magpasaya ng tao, lalo na magpatawa," sabi niya.


She is joining Superstar Duets with a powerful voice and a goal to achieve kaya't kaabang-abang talaga ang mga gagawing pasabog ni Rita.

Abangan si Rita Daniela sa Superstar Duets, ngayong Setyembre na!

MORE ON RITA DANIELA:

LOOK: Wacky pose from the celebrity contestants of 'Superstar Duets' 

WATCH: Rita Daniela slays in 'Not Your Ordinary Trumpet Challenge' 

WATCH: Rita Daniela does Beyonce proud in "Crazy in Love" performance