Showbiz News

Pepito Manaloto: Ang family reunion nina Patrick at Baby

By AEDRIANNE ACAR

Iimbitahin nina Baby at Patrick sina Pepito at Elsa sa family reunion nila. Uuwi kasi ang Lola Auring nila mula Amerika para ipagdiwang ang 80th birthday nito.

At kahit laging nag-aaway itong sina Patrick at Baby, tumulong ang dalawa para sa paghahanda kung saan nakasama nila ang mga kamag-anak na sina Restituto at Minda.

Ang problema, kung aso at pusa kapag magkasama sina Patrick at Baby, parang laging nasa giyera naman kung mag-away sina Minda at Restituto.

May family reunion pa kayang magaganap o kung matuloy man, ready kaya ang Manaloto family sa salusalong madadatnan nila?


Huwag magpatumpik-tumpik at i-cancel na ang mga lakad para manood ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na August 27 pagkatapos 24 Oras Weekend!

MORE ON 'PEPITO MANALOTO':

EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'