Showbiz News

Marian Rivera on Kris Aquino-Aiai Delas Alas feud: 'Mahirap panghimasukan'

By BEA RODRIGUEZ

Parehong malapit si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa dalawang showbiz icons na sina Kris Aquino at Aiai Delas Alas. Ninang sa kasal ng DongYan si Queen of All Media habang ninang naman ng kanilang anak na si Baby Maria Letizia ang Philippine Comedy Queen.


Usap-usapan ngayon ang pagbabalik Kapuso ni Kris ngunit wala pa itong kumpirmasyon. Isa sa mga nag-aabang ay ang reyna ng GMA, “Oo naman, hindi naman lingid sa kaalaman [ng lahat] na napakabait naman niya. Kita mo nag-guest nga siya sa Yan Ang Morning! [at] walang pasabi-sabing ‘No.’”


MUST-SEE: Kris Aquino surprises Marian Rivera with a special gift 

Kung sakaling mangyari ang homecoming, hindi malabong mag-krus ang landas ng tatlo, lalong-lalo na ang mga dating magkaibigan.

Sa panayam ng GMANetwork sa press conference ng Sunday PinaSaya kagabi (August 24), itinanggi ni Marian na naiipit siya sa dalawa, “Kung wala namang ginagawang masama ang isang tao, bakit ko kailangan idamay? Mabait sa akin ‘yung Ninang Kris ko at the same time magkaibigan din kaming matalik ni ‘Kambal’ [o] ni Aiai so walang nahahati para sa akin.”

Hindi niya pa raw nakakausap ang dalawa tungkol sa kanilang issue, “May mga bagay na mahirap panghimasukan, lalong-lalo na kung hindi mo alam ano ‘yung pinagmulan.”

Mahihirapan raw si Judge MD sakaling magkakaharap muli sina Kris at Aiai, “Siguro kung kaya mong gawin na mas magaan ang pakiramdam ng bawat isa at mas maging malapit at maayos, why not pero para palalain pa, ay ‘wag naman.”

Bukas ang aktres sa posibilidad na siya ang maaring maging daan para muling magkamabutihan ang dating mag-“Friendships.”

Samantala, nanatiling tikom ang bibig ni Aiai sa issue, “Sa 26 years ko in show business, lahat po ng katanungan niyo at ang buhay ko ay bukas na bukas. For the first time in my life, hindi po ako sasagot sa tanong na iyan dahil marami naman pong katanungan na wala ring sagot.”

MORE ON MARIAN RIVERA AND AIAI DELAS ALAS:

READ: Marian Rivera at Aiai Delas Alas, ‘no dull moment’ sa set ng ‘Sunday PinaSaya’ 

READ: Aiai Delas Alas gets warm welcome from Marian Rivera and Eugene Domingo