Showbiz News

EXCLUSIVE: Jeric Gonzales, kinakabahan kay Ryan Eigenmann?

By MICHELLE CALIGAN

Dati nang nakatrabaho ni Jeric Gonzales si Ryan Eigenmann nang mapasama sila sa cast ng Afternoon Prime series na Pyra Babaeng Apoy. Ngayon naman ay gaganap silang mag-ama sa upcoming drama na Oh, My Mama!.

LOOK: Lead stars of 'Oh, My Mama!' snap a groufie after their workshop

Aminado ang young actor na kinakabahan siya kay Ryan, na kilala sa pagiging kontrabida.

"Medyo kinakabahan [ako] kasi hindi ko pa siya nakaka-eksena totally. Nakasama ko na siya sa Pyra pero wala kaming eksena na kaming dalawa lang. Knowing him, magaling umarte at magaling na aktor, so [I feel the] pressure," kuwento niya in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Bukod sa pressure mula sa kanyang onscreen father, may pressure din ang pagiging isa niya sa mga bida ng naturang teleserye. Makakasama niya dito sina Inah de Belen at Jake Vargas.

READ: EXCLUSIVE: Jeric Gonzales, kakaibang role ang gagampanan sa 'Oh, My Mama!'

"Hindi mawawala 'yung pressure kasi sinabi nga na kaming tatlo talaga 'yung pinakabida. Pero excited talaga ako sa project na 'to. I'm positive sa magiging outcome nito. Nakikita ko na maganda ang story and 'yung cast. Hindi naman ako nagwo-worry."

MORE ON OH, MY MAMA!:

EXCLUSIVE: Jake Vargas, excited sa kanyang bagong show at love team sa 'Oh, My Mama!'

New Kapuso Inah de Belen to star in an Afternoon Prime series