Showbiz News

Aiai Delas Alas, proud girlfriend sa pagtatapos sa kolehiyo ni Gerald Sibayan

By BEA RODRIGUEZ


Masayang ibinahagi ni Kapuso star Aiai Delas Alas na nakapagtapos na ng Sports Management ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan sa loob ng limang taon mula sa De La Salle University.

Proud na proud ang Comedy Queen sa naabot na achievement ng kanyang 22-year-old boyfriend, “I want to congratulate you not just [because] you achieved your goals, but [because] of how you became a man with integrity. Tumaas ang respeto ko sa'yo lalo.”

READ: Aiai Delas Alas on relationship with Gerald Sibayan: ‘Kapayapaan, finally’ 

Ang sipag, tiyaga at kagustuhan ni Gerald na maka-graduate ang ipinagmamalaki ng Comedy Queen. Kuwento ng aktres, “Pwede ka namang magtamad-tamaran at [maglaro ng] Counter-Strike maghapon pero inilaban mo na araw-araw gumising [nang] maaga at [suungin] ang traffic at baha papuntang Maynila galing [ng Quezon City] dahil gusto mong mag-aral [at] gusto mong makatapos.”

Dream come true ito hindi lang para sa graduate kundi para sa kanilang dalawa, “Gusto mong matupad ang pangarap mo at [ang] pangarap kong makatapos ka at maipag malaki kita sa buong mundo. And now, I want to say to the whole world I am so proud of you, Darling. Congratulations!”

Nagpasalamat si Gerald sa tiwala, suporta at pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya para sa karangalan na kanyang natamo.

READ: Gerald Sibayan calls Aiai Delas Alas his ‘everything’ in second anniversary greeting