Showbiz News

Nadine Samonte to daughter Heather Sloane: 'You are God's greatest gift to us'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ilang araw pagkatapos ipanganak ni Nadine Samonte si Heather Sloane, ibinahagi niya ang mga pagbabagong naganap sa kanyang buhay.

READ: Nadine Samonte gives birth to healthy baby girl

 

Aniya, "Buong gabi magkausp kami. Hehehe. So cute my baby Heather. Well, hindi naman ako nakatulog simula nung lumabas siya. Haaaay baby. At hindi sya makatulog kapag wala siya sa dibdib ko."

Dagdag pa ni Nadine, titiisin niya ang kahit anong sakit at hirap na nararamdaman para sa kanyang anak.

"Hay ang sarap maging isang ina, ang sarap ng feeling. At nagbre-breastfeeding din po ako kahit masakit na pero [sige] pa din, pipilitin ko. Naumpisahan ko na ang hirap ng wala pa siya. Ngayon pa ba ako bibigay? No way. Hehehe. Kaya ko 'to."

Nagpasalamat naman ang StarStruck season 1 avenger sa mga nag-e-encourage sa kanya na ipagpatuloy ang pagbi-breastfeed kay Heather Sloane.

"Thank you sa mga mommies na sinsbi na i-breastfeed ko pa din sya kahit masakit. [Malalagpasan] ko daw and I know I will. That's the only gift I can give to my daughter na hindi kayang ibigay ng iba," saad niya.

Ipinahayag ni Nadine ang kanyang pagmamahal at pangako sa kanyang anak.

"I love you so much my Heather. You are God's greatest gift to us and I will always thank him. You are so precious my little one. We will take care of you my love. Me and your dad are so blessed to have you in our lives.Thank you to everyone who prayed for us and [wished] us all the best. Thank you so much."

MORE ON NADINE SAMONTE: 

Nadine Samonte and husband are expecting a baby girl

LOOK: Nadine Samonte is a goddess mommy