Showbiz News

Search for 'Gandang Filipina, Ms. Wow 2016' ng 'Wowowin,' nagsimula na

By CHERRY SUN  

Nagsimula na ang paghahanap ng mga dalagang kakatawan sa tunay na Filipina para sa kauna-unahang beauty pageant ng Wowowin, ang ‘Gandang Filipina, Ms. Wow 2016.’
 
Daan-daan ang nag-audition para makasali sa bagong segment ng programa ni Willie Revillame. Ang mga aspiring beauty queens ay nagmula raw sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas tulad ng Batangas, Mindoro, at Davao. Mayroon din daw isang nagmula pa sa Canada para makasali sa naturang beauty contest.
 
“Madami [na kaming napansin na contestants], actually madami. Ang gaganda talaga nila and I’m sure mahihirapan ‘yung judges na pumili talaga,” sambit ng Wowowin segment producer na si Heidi Mallari.
 
Ano nga ba ang hinahanap nila sa isang maituturing na ‘Gandang Filipina?’
 
Paliwanag niya, “Syempre kailangan nandyan ‘yung beauty mo, nandyan ‘yung marunong kang maglakad. Most specially, may confidence ka [on] how to [carry] yourself.”
 
“Kahit na sa ganitong pageant is mapakita din ng mga simpleng tao at ma-showcase din nila ‘yung talent nila and at the same time ‘yung beauty ng isang Filipina,” dagdag niya.
 
Patuloy pa rin daw ang pagtanggap nila ng mga nais mag-audition para sa ‘Gandang Filipina, Ms. Wow 2016.’ Para sa mga interesadong sumali, magpunta lamang sa GMA Network Studio 6 sa araw ng Lunes, Miyerkules, o Biyernes ng 2 P.M. to 5 P.M., at hanapin si Heidi Mallari. Ang mga sasali ay dapat magdala ng kanilang mga litrato at, higit sa lahat, kumpyansa sa sarili.
 
Ang ‘Gandang Filipina, Ms. Wow 2016’ ay mapapanood na sa Wowowin simula ngayong September 13.