Showbiz News

WATCH: Video ni Marian Rivera na humahataw sa kalsada, mahigit 700,000 views na!

By BEA RODRIGUEZ


Wala pang isang araw pero certified viral na ang Facebook video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na humahataw sa kalsada.

Matatandaang pinasabog ng Queen of the Dance Floor ang kanyang Platinum hit song na “Sabay Sabay Tayo” noong 2009.

Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang aktres para ipauso ang bagong dance craze na kasalukuyang mayroon ng 737,505 views sa loob lamang ng 18 na oras.

Ilulunsad sa unang birthday celebration ng Sunday PinaSaya ngayong Setyembre 4 (Sunday) ang “Haha Shake Shake” sa pangunguna mismo ng Kapuso Primetime Queen. Ito ang bagong sayaw na siguradong kababaliwan ng buong bayan.

Tara na at makisayaw dahil imbitado ka sa espesyal na selebrasyon ngayong Linggo sa pagdiriwang ng unang kaarawan ng inyong paboritong Sunday noontime show. 12 ng hapon iyan, mga Kapuso!


MORE ON 'SUNDAY PINASAYA':

WATCH: Cast ng ‘Sunday PinaSaya,’ may pa-birthday sa inyo!

READ: ‘Sunday PinaSaya’ promises more fun, bigger family as it turns 1 this August