Showbiz News

Paano na-diskubre ng 'Superstar Duets' contestant na si Osang ang kaniyang astig na boses?

By FELIX ILAYA

Beterano na sa industriya ng pagpapatawa si Osang at almost 16 years na siyang nasa mundo ng comedy.

IN PHOTOS: Press conference of 'Superstar Duets'

Inamin ni Osang sa exclusive interview niya with GMANetwork.com na kaya siya sumali sa Superstar Duets ay dahil nais niya raw marinig at magpatawa muli sa telebisyon, "'Eto na 'yung pagkakataon ko na makakanta uli sa TV at mai-share ko ulit 'yung talent ko."

Dagdag pa niya na kahit matagal na siyang nag-pe-perform ay challenge daw ang singing competition na ito para sa kaniya.

Ani Osang, "Ang hirap kasi iba 'yung genre ko ng pagkanta, reggae, rock, heavy metal. 'Eh ngayon iba 'eh! Iba 'yung binigay nila sa akin kaya medyo ang hirap mag-adjust. Pero challenge, ang sarap na [mapatunayan na] 'Wow, kaya ko pala 'yon?'"

Sa mga celebrity contestants na kasali sa Superstar Duets, tila si Osang na ang may taglay ng pinaka unique na boses. Kinuwento ng singer-comedian kung papaano niya ito natuklasan.

"Actually, hindi naman ganito talaga 'yung boses ko. Pumasok ako sa mga comedy bar, ang pang-audition [ko ay] kanta ni MariMar. Puro Spanish 'yung kinakanta ko, kaya ako nakapasok kasi kakaiba. Tapos, na-discover ko 'yung panlalaki kong boses kasi wala kaming costumer. Siyempre nakakahiya sa may-ari, se-sweldohan kami tapos 'di kami kumakanta, so habang walang tao nag-isip kami ng kanta. Tapos nakita ko 'yung kanta ni Shaggy, 'yung "Angel," pag-try ko nagulat ako na nakikita ko 'yung mga waiter namin tawa sila ng tawa. One time, show na, nagkaroon nang tao, sinalang nila 'yon so wala akong choice, aba effective," saad ni Osang.


Dagdag pa ni Osang, kinailangan niya daw talagang makaisip ng panibagong gimik upang walang makagaya sa ginagawa niya.

Aniya, "'Yung pagiging rakista ko naman, na-discover ko kasi sa trabaho namin, maraming nangongopya ng gimik. Ang daming gumaya [sa akin] kaya nag-isip ako ng bago. One time 'nung nag-show ako, nag-try akong kumanta ng rock. Unang kinanta ko is 'yung sa Parokya ni Edgar, "Order Taker." 'Yon, nag-boom na siya!"

Dahil sa pagiging-rakista ni Osang, nag-boom daw ang career niya at dumami ang fans niya.

"Nagulat ako kasi dati, 'yung mga uma-idol sa 'kin, mga babae at nanay, ganoon! Walang straight na lalaki. 'Nung time na kumanta ako ng rock, nagulat ako kasi 'yung mga followers ko na, mga lalaking straight; mga rakista na naaastigan daw sa akin," kuwento ng singer-comedian.

Talagang kaabang-abang ang mga pasabog ni Osang sa Superstar Duets! Abangan siya at ang iba pang celebrity contestants every Saturday.

MORE ON 'SUPERSTAR DUETS':

Nar Cabico at Osang, todo-todo ang jamming habang nasa 'Superstar Duets' Facebook Live Chat 

Threatened ba si Nar Cabico sa kaniyang mga fellow contestants sa 'Superstar Duets?' 

"It's not your ordinary singing competition" - Jerald Napoles on 'Superstar Duets'