Showbiz News

Alden Richards at Maine Mendoza, ipagpapatuloy ang birthday celebration ng 'Sunday PinaSaya'

By BEA RODRIGUEZ

Abangan ang pagbabalik ng phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza sa pangalawang parte ng first birthday celebration ng Sunday PinaSaya ngayong Linggo (September 11).
 
IN PHOTOS: #HappyBirthdaySPS
 
Hindi nagtatapos ang pagpapakilig ng AlDub dahil may kakaibang twist na naman silang ipapakita sa number one Sunday comedy-variety show.
 
Kung sa charming actor pa, kumportable na talaga siya sa kanyang kapareha, “You tend to really do things normally and casually, parang wala nang effort.”
 
Excited naman ang aktres sa kanyang susunod na guesting. Saad niya sa panayam ng 24 Oras, “Siyempre, nag-enjoy. Masaya, masaya! Buti inimbitahan nila ako dito sa celebration nila. Hindi na po kami magkaaway, medyo sweet-sweetan na kaya abangan niyo po ‘yan next week.”

 


 

Sa unang pagkakataon sa Philippine television, isang full live comedy musical on TV (teatro sa telebisyon) ang masisilayan sa show na binubuo ng iba’t ibang segments.
 
Magkakaroon ng Biyaheng Barkada sina Manny (Jose Manalo), Vicente (Wally Bayola), Minda (Aiai Delas Alas) at Lucy (Marian Rivera) papuntang Davao City upang dumalo sa kanilang high school reunion. Sakay ang jeep, babyahe sila sa mga pangunahing ciudad sa Pilipinas at dito masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.
 
Masusuri rin ang kanilang pakikisalamuha sa mga taong makikilala nila sa daan sa katauhan nina Dingong Dantes, Barbie Forteza, Joey Paras, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro at Jerald Napoles.
 
Sa pamamagitan ng kantahan, sayawan at comedy skits, ipapakita ang kani-kanilang mga kuwento at personal na mga layunin sa pagbabyahe.
 
May mga espesyal na roles rin sina Menggay, Arnel Ignacio, at Superstar Nora Aunor sa musical. Abangan ito sa Linggo, mga Kapuso!

MORE ON SUNDAY PINASAYA:

WATCH: Cast ng ‘Sunday PinaSaya,’ nagpapasalamat sa mga naki-birthday noong Linggo