Showbiz News

Rafael Rosell, nakatakdang lumabas sa isang short film

By MARAH RUIZ

Isang picture ng masayang set ang ibinahagi ni Kapuso actor Rafael Rosell sa kanyang Instagram account. 

Ayon sa aktor, para ito sa isang short film na ginawa niya kamakailan.

"Gettin some action scenes done with this bunch. Honored to be part of it! Watch out for this guys short coming soon," sulat niya sa caption. 


Hindi pa isiniwalat ni Rafael ang title ng short film ngunit makakasama niya dito ang kapwa niya aktor na si Will Devaughn.

Samantala, panoorin si Rafael Lunes hanggang Biyernes sa kanyang GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso. 

MORE ON RAFAEL ROSELL:

EXCLUSIVE: Rafael Rosell, ibinahagi kung paano makuha ang tiwala ni Rhian Ramos 

EXCLUSIVE: Rafael Rosell, baril ang naging inspirasyon para sa role