Showbiz News

'Coffee Prince' magpapakilig muli sa GMA News TV

 

 

Hatid ng GMA News TV ang isang Korean hit series na minsan nang nagpa-kilig sa mga Pinoy—ang Coffee Prince!

Balikan ang kuwento ng iresponsableng herederong si Arthur Choi at ang masipag niyang empleyadong si Andie Go sa kanilang pagtahak sa mundo ng kape at pag-ibig. 

Tampok dito si 'Train to Busan' star Gong Yoo bilang Arthur at si Korean Wave superstar Yoon Eun Hye bilang Andie. 

Samahan natin muli sina Arthur at Andie sa kakaibang kuwento ng Coffee Prince, simula September 19, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 pm sa GMA News TV.