Showbiz News

Carmi Martin, proud sa panalo ni Carla Abellana sa 2nd Alta Media Icon Awards

Muling pinatunayan ng Kapuso comedy sitcom na Ismol Family na nasa kanilang show ang ilan sa pinakamagaling na comedians sa buong bansa.

Kamakailan lang inanunsyo ng University of Perpetual Help ang mga nagwagi sa kanilang 2nd Alta Media Icon Awards. At isa sa kinilala ng award-giving body ang husay sa pagpapatawa ni Kapuso leading lady Carla Abellana.

READ: Kapuso celebs and AlDub rules the 2nd Alta Media Icon Awards

Sa katunayan, nasungkit ni Carla this 2016 ang parangal for Best Comedy Actress for TV para sa role niya sa Ismol Family bilang si Majay.

Sobra ang tuwa ng co-star ni Carla na si Carmi Martin sa parangal na natanggap ng Kapuso actress at kaniyang ipinost ang pagkapanalo ni Carla sa Instagram.

Agad naman nagpasalamat si Carla sa ginawa ng veteran comedienne.


Matatandaan na noong 2015, inuwi naman ni Carmi ang recognition sa 6th Golden Screen TV awards nang manalo siya sa category na Outstanding Supporting Actress in a Gag or Comedy program.

Congratulations and more power, Kapuso Carla Abellana! 

MORE ON 'ISMOL FAMILY':

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks
     
#IdealFather: 12 reasons why Ryan Agoncillo is a perfect dad

Ismol Family: Bianca Umali, umaming mahal niya si Miguel Tanfelix