Showbiz News

Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Derrick Monasterio at Jake Vargas, handa na sa kanilang concert sa Biyernes!

By BEA RODRIGUEZ

 

Magsasama-sama ang mga Kapuso hunks na sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Derrick Monasterio at Jake Vargas upang magpakilig sa “Oh Boy!” concert ngayong taon kasama si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at ang boy band na One Up.

Excited na si Rocco na mag-perform sa Music Museum ngayong September 23 (Biyernes), “[It’s] a night of fun, excitement, music from way, way back to the present, and lots of good vibes talaga.”

Looking forward naman si Derrick na magtanghal para sa mga kababaihan, “Siyempre, bilang boys, dapat talaga tayong galante sa kanila.”

Ayon sa ulat ng Unang Hirit, puspusan na ang paghahanda ng ating Kapuso stars para sa isang mainit na gabi ngayong tag-ulan.

RELATED FEATURES:

International fans, uuwi ng Pilipinas mapanood lang ang 'OH BOY!' concert 

Playlist feature: Rocco Nacino opens his doors to a music career