Showbiz News

'Yan ang Mommy!: Marian Rivera nag-breastfeed kay Baby Zia sa airport

By OWEN ALCARAZ

Walang pinipiling lugar o oras ang pagiging ina. 'Yan ang pinatunayan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na magpakuha ito ng litratro paglapag nila ng asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Anaheim airport. 

Sa larawan, posted by @gmapinoytv, makikita na suot-suot ni Marian ang kanyang nursing cover habang nasa ilalim nito si Baby Zia.

Bago pa man manganak si Marian ay pinaghandaan na niyang talaga ang tamang breastfeeding para kay Baby Zia sa pamamagitan ng pagdalo sa workshop ng The Parenting Emporium.

Samantala, kasalukuyang nasa U.S. sina Kapuso King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera para sa kanilang #DongYanLaughTripSa America shows. 

Kasama sina Boobay, Boobsie at Ate Gay, nauna na silang nagtanghal sa The Nourse Theater sa San Francisco. May isa pa silang show na gaganapin sa Pearson Park Amphiteather sa Anaheim mamayang gabi.

MORE ON #DongYanLaughTripSaAmerica:

Team Abroad parties with #DongYanLaughTripSaAmerica

LOOK: DongYan, pinagkaguluhan sa America