Showbiz News

Ano ang reaksyon ng cast ng 'Someone to Watch Over Me' sa pabigat ng pabigat na mga eksenang ginagawa nila?

By GIA ALLANA SORIANO

Puno ng iyakan at very heartbreaking na ang mga eksena ngayon sa Someone to Watch Over Me, bukod sa unti unti nang nakakalimutan ni TJ (Tom Rodriguez) si Joanna (Lovi Poe,) ay mas naaalala pa nito ang ex niyang si Irene (Max Collins.)

Ano kaya ang reaksyon ni Tom sa mga nalalapit na kaganapan sa kanyang bagong drama?

Ika niya, "Exciting to know kung paano tatangapin ng asawa niya na 'yung mga pagbabago pala kay TJ ay hindi pala third party or kung ano-ano, pero isang matinding sakit [pala.]"


Ano naman kaya ang ibibigay ng karakter ni Lovi Poe sa kanyang struggling husband?

Aniya, "Unconditional love siguro ang aabangan dito dahil mahirap magmahal ng isang taong unti unting nakakalimot sa'yo."

Ano naman ang magiging papel ni Max bilang ex-girlfriend ni TJ?

Paliwanag ng aktres, "Pabigat na pabigat din 'yung story because in love talaga ako [yung character ko] kay TJ."

Abangan ang Someone to Watch Over Me sa GMA Telebabad pagkatapos ng Alyas Robin Hood. 

MORE ON 'SOMEONE TO WATCH OVER ME':

IN PHOTOS: Tom Rodriguez, Max Collins, and Lovi Poe topbill 'Someone To Watch Over Me' 

Tom Rodriguez sa planong pagpapakasal kay Carla Abellana: "If I didn't have to work for survival, kahit ngayon"