TV

Ano ang pangarap ni 'Encantadia' star Yuan Francisco paglaki?

By BEA RODRIGUEZ

Unang nasilayan ang cute at bibong batang si Yuan “Pao Pao” Francisco sa isang fabric conditioner commercial bago siya naging parte ng Encantadia bilang tagahawak ng panglimang brilyante.

WATCH: ‘Encantadia’ Sang’gres do the ‘Boom Boom Pow’ challenge

Nakakaaliw ang 6-year-old commercial model na taga-Bulacan kaya siya madalas napapansin ng mga casters at directors. Ngunit para kay Pao Pao, “Ako po ay pogi po kaya ako natanggap sa commercial.”

Nag-audition din siya para makuha ang role sa telefantasya. Lubos itong pinasasalamatan ng baguhang Kapuso child star, “Thank you po [sa] mga tinulong niyo sa akin na blessings na naging artista po ako.”

WATCH: Kilalanin si Yuan Francisco, ang tagapangalaga ng ika-limang brilyante ng ‘Encantadia’ 

Maging ang kanyang mga magulang ay nagpapasalamat sa kanyang naabot. Saad ni Daddy Allan sa report ng Unang Hirit, “Nakakataba po ng puso kasi nagsisimula pa lang kami, nakilala na siya at saka masaya kami para sa kanya.”

Bukod sa pag-arte, marunong rin ang batang aktor na sumayaw, kumanta at mag-drawing. Ikinuwento niya pa kay GMA broadcast journalist Jessica Soho kung ano ang kanyang pangarap paglaki, “[Maging] architect.”

Mukhang napagplanuhan na rin ito ni Pao Pao kung paano niya pagsasabayin ang pag-aartista at pagiging isang architect, “‘Pag tinawagan po ako, mag-aartista po ako pero ‘pag may pasok po ako, [uunahin] ko muna [ang] work ko bago po ang [pag-aartista].”

Video from GMA News