Showbiz News

Gladys Reyes, nakikitaan ng potential si Inah de Belen

By MICHELLE CALIGAN

Sa murang edad ay pinasok na ni Gladys Reyes ang entertainment industry. Kaya pagdating sa showbiz newcomers, isa siya sa mga magagaling tumingin ng talento.

READ: Gladys Reyes, may comment tungkol kay Thea Tolentino at Jeric Gonzales

Kasama ngayon sa Afternoon Prime series na Oh, My Mama! si Gladys. Gumaganap siya bilang si Inday, ang kaibigan ni Gordon (Epy Quizon) na tutulong sa pagpapalaki kay Maricel, na gagampanan ni Inah de Belen. Bilang isang baguhan, nakikita daw ni Gladys na magiging magaling na aktres si Inah.

"May potential. Kasi unang sabak naming dalawa, drama agad. Ramdam mo agad sa kanya na may hugot eh, may pinanghuhugutan agad. Hindi siya mahirap humugot ng emosyon. Itong si Inah, malaking malaki ang potential," pahayag niya.

Mas kaabang-abang din ang teleserye nila dahil sa iba't ibang emosyon na mayroon ito.

"'Yun nga po ang maganda dito sa show namin, bibigyan namin kayo ng roller coaster of emotions. Hindi 'yung straight drama lang. Makaka-relate talaga sila. May masaya, may nakakatawa, maiiyak."

MORE ON 'OH, MY MAMA!':

Janice de Belen to daughter Inah: "Show them that you don't have to be compared to me"

LOOK: At the press conference of 'Oh, My Mama!'