Showbiz News

Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio, kinakiligan sa 'Oh Boy!' concert

By CHERRY SUN

Napuno ng nakakabinging tilian at palakpakan ang Music Museum dahil sa pagsasanib-puwersa nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio para sa kanilang Oh Boy! concert.

Opening number pa lang ng apat na Kapuso artists ay hindi na magkamayaw ang audience. Nagpakitang-gilas sina Aljur, Rocco, Jake at Derrick sa pagkanta at pagsayaw.

Present sa kanilang concert sina Kris Bernal, Bea Binene, Inah de Belen, Phytos Ramirez at Ken Chan.

“Sobrang hot lahat ng boys. 'Di ko akalain na they can go further doon,” bahagi ni Kris sa panayam ng 24 Oras.

“Ganun pala kaganda ‘yung boses ni Aljur. Pangalawa, natuwa ako sa pagsayaw ni Derrick dahil hindi po masyadong parehong kaliwa ‘yung paa niya,” sambit naman ni Bea.

Kahit unang beses pa lamang nila magsama-sama ay naging matagumpay ang kanilang concert.

“Excited na excited kami. Finally our hard work has paid off,” kuwento ni Rocco.

“Sobrang worth it po lahat ng mga pina-block na schedule for rehearsals, lahat ng mga pagod namin,” dagdag naman ni Derrick.

Nagpapasalamat din sila sa kanilang natanggap na suporta.

“We’re happy, thankful na nandiyan silang lahat,” ani Aljur.

“Nagpapasalamat kami dahil kahit papaano nandiyan sila para sa amin,” dugtong ni Jake.


Video courtesy of GMA News

 

 

MORE ON 'OH BOY!':

 

 

IN PHOTOS: Oh Boy! Concert