Showbiz News

WATCH: Showbiz personalities, uunahin sa Oplan Tokhang ng PNP

By CHERRY SUN

Uunahin daw ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang pagtokhang sa mga showbiz personalities. Ito raw ang kanilang gagawin kapag nakuha na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng 50 celebrities na diumano'y sangkot sa droga.

“Gusto mo itukhang natin sila? Itutukhang natin, pupuntahan natin. Sama kayo. Katukin natin sa kanya-kanyang bahay, kanya-kanyang TV station. ‘Surrender na kayo kasi identified kayo na user.’ Ganun. Itukhang natin. Tinukhang nga natin ‘yung high-end subdivisions diyan, sila pa na public figure sila. They should be open to the public,” pahayag ni P/Dir. Gen. dela Rosa sa ulat ng 24 Oras.

Handa naman makipagtulungan ang Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon sa pulisya para hikayating magpa-rehab ang mga kasamahan nila sa industriya na mapapatunayang lulong sa iligal na droga.

Ayon sa president ng organisasyon na ito na si Rez Cortez, “Daanin natin sa proseso. At kung kailangan i-drug test ‘yung mga nasa listahan na ‘yun ay tutulong kami sa paghimok or pag-encourage doon sa mga nasa listahan na ‘yun na magpa-drug test. At kung sakaling positive sila eh puwede rin naman makiisa or tumulong kung ano ang dapat gawin.”

Ang Oplan Tokhang ay ang pagkatok ng mga kapulisan sa bahay ng mga pinaghihinalaang drug personalities upang pakiusapan sila na huminto na sa paggamit o pagtulak ng ipinagbabawal na gamot.

Video courtesy of GMA News

MORE ON DRUG-RELATED CELEBRITY NEWS:

WATCH: Former sexy star Sabrina M, nakunang gumagamit ng iligal na droga

READ: Kapatid ni Maritoni Fernandez, pinatay; sangkot sa iligal na droga 

READ: Former child actor and QC Councilor Hero Bautista, umaming nagdodroga