Showbiz News

WATCH: QC Mayor Herbert Bautista, pinayuhan ang mga bagong artista na huwag pumasok sa droga

By CHERRY SUN

Nagbigay ng payo si Quezon City (QC) Mayor Herbert Bautista sa mga bagong artista na huwag nang pasukin ang paggamit ng iligal na droga.

Sa panayam ng 24 Oras ay ibinahagi ng alkalde at dating aktor ang payong nakuha rin niya sa kanyang ninong na si Fernando Poe, Jr.

Paalala ni Mayor Bautista, “’Yung droga, walang mapupuntahang matino ‘yan. Hangga’t maaga, kung mahal mo ang iyong career, whether nasa entertainment or kahit na anong field ka sa darating na panahon, eh 'wag mo na pasukin ‘yung droga dahil wala kang pupuntahan dyan.”

Matatandaang kamakailan ay nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang kapatid ni Mayor Bautista na si QC Councilor Hero Bautista. Kasalukuyan siya ngayong sumasailalim sa rehabilitasyon.

Video courtesy of GMA News

MORE ON DRUG-RELATED CELEBRITY NEWS:

READ: Former child actor and QC Councilor Hero Bautista, umaming nagdodroga

READ: Showbiz personalities, uunahin sa Oplan Tukhang ng PNP

WATCH: Former sexy star Sabrina M, nakunang gumagamit ng iligal na droga