Showbiz News

Kristoffer Martin at Joyce Ching, babasagin na ang 'tweetums' image nila

By MARAH RUIZ

Balik tambalan ang mga Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Anything For You.

Ibinahagi ng dalawa na mas mature na role ang gagampanan nilang dalawa sa serye.

"Opo, sobrang iba ['yung role]. Ako po, personally, sobrang love ko 'yung character ko," pahayag ni Joyce sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

"Si Rachel kasi hindi siya 'yung typical na bida na sobrang bait, na hindi lumalaban. Si Rachel, palaban at saka rebelde. Tapos, as the story goes, doon mo siya mamahalin as you get to know her," pagpapatuloy niya.

Medyo may pagkakatulad din daw ang kanilang mga karakter, ayon kay Kristoffer.

"Ito kasi may pagka-rebelbe din ito eh. Magkaparehas kami ditong may pagka-rebelde eh. Lahat gagawin din niya para sa pamilya. Paano ko madi-differentiate 'yung character ko sa ginagawa ko before? 'Yun siguro 'yung challenge sa akin," ani Kristoffer sa parehong interview. 

Ayon sa dalawa, ang mga roles na gaganapan nila ay talagang unexpected, lalo na ng kanilang mga fans. 

"Medyo mas sexy, mas daring 'yung mga characters na gagawin po namin," paliwanag ni Joyce.

"Iba talaga. 'Yun nga 'yung sabi namin na hindi ito 'yung ine-expect sa amin ng mga fans at kung sino man nakakakilala sa amin na pa-tweetums. Dito talaga, babasagin na 'yung image na 'yun," pahayag ni Kristoffer.

Makakasama nina Joyce at Kristoffer sina Eula Valdez, Snooki Serna, Marc Abaya, Jett Pangan, Marina Benipayo, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Bruno Gabriel, Chinggoy Alonzo, at marami pang iba.

Anything For You, malapit na sa GMA Afternoon Prime!

MORE ON 'ANYTHING FOR YOU':

Kristoffer Martin at Joyce Ching, balik tambalan sa bagong drama

Kristoffer Martin at Joyce Ching, ibinahagi ang sikreto ng maayos na hiwalayan

Kristoffer Martin at Joyce Ching, bukas sa ideyang magkabalikan