Showbiz News

LOOK: Andrea Torres, first time mag-two piece sa TV dahil sa 'Alyas Robin Hood'

By AL KENDRICK NOGUERA

Tuloy ang pagpapasexy ni Kapuso actress Andrea Torres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood siya sa telebisyon na nakasuot ng two-piece.

Ibinalita ito mismo ni Andrea kasabay ng kanyang sexy na litrato sa kanyang Instagram. Ayon sa Kapuso star, abangan na raw ang paglabas ng kanyang character na si Venus sa Alyas Robin Hood ngayong linggo.


"YES, this week na. MALAPIT NA MALAPIT niyo na makilala si VENUS. #AlyasRobinHood #firsttimekomagtwopiecesatv #ilovethisshow Haha! #wakeywakeyMsVenus," saad ni Andrea sa kanyang caption.

Matatandaang nagpa-sexy na rin noon sa TV si Andrea sa The Millionaire's Wife kung saan nagkaroon sila ni Ina Raymundo ng isang swimsuit showdown 

MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':

Jaclyn Jose, nagpasalamat sa lahat nang sumusuporta sa 'Alyas Robin Hood'

Dingdong Dantes, mapapasabak sa matitinding action scenes sa 'Alyas Robin Hood'

Dingdong Dantes, pinuri si Kristoffer Martin sa pagkanta ng theme song ng 'Alyas Robin Hood'