Showbiz News

READ: Vicki Belo may buwelta sa basher na nagsabing 'bedsheet' ang kanyang suot sa kasal ng anak na si Cristalle

By AEDRIANNE ACAR


Pinag-usapan sa social media ang gown na suot ng celebrity doctor na si Vicki Belo sa kasal ng kaniyang anak na si Cristalle Bello sa Lake Como, Italy noong nakaraang September 15.

Ang gown na suot ni Dr. Belo ay likha ng sikat na fashion designer na si Oscar de la Renta.

May mga netizens na natuwa sa sinuot ng celebrity doctor, pero mayroon ding hindi nagustuhan at binatikos ang kanyang gown na tinawag pa ng isang bahser na "mukha daw bedsheet."

 

 

Nitong Lunes, September 26, binasag ni Dr. Vicki Belo ang kaniyang katahimikan at nagsalita sa pamamagitan ng Instagram patungkol sa kritisismo na kanyang natanggap.

Sabi niya sa kaniyang post, “It's not who wore it better but who has the better accessory.Thank you @dochayden for always being by my side. #OscardelaRenta #Runway”


Ipinagtanggol naman si Vicki ng ibang mga netizen tulad na lang ni Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.

 

 

MORE ON VICKI BELO:

LOOK: Meet Dr. Vicki Belo and Hayden Kho's baby, Scarlet Snow

WATCH: Scarlet Snow, the face of Dr. Vicki Belo's baby care line

#PITTurePerfect: Cristalle Belo and Justin Pitt tie the knot in Italy