Showbiz News

LOOK: Ano ang early Christmas gift na natanggap ni Carla Abellana?

By AEDRIANNE ACAR

GMA Network is the true home of the best and brightest comedians in the country!

At pinatunayan ito ng Kapuso actress na si Carla Abellana matapos niyang iuwi ang award for Best Comedy Actress for TV sa katatapos na 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help.  


Ang pagkilala na natanggap ng Ismol Family star ay tila isang early Christmas gift para sa kaniya.


Proud naman ang co-star ni Carla sa sitcom na si Miguel Tanfelix para sa pagkapanalo ng Kapuso leading lady.

Ani Miguel, “Hi Ate Carla yes of course dahil nanalo ka po ng comedy award niyo po,  gusto ko po kayong batiin nang congratulations dahil nakaka-proud po dahil magkasama po tayo na show na Ismol Family and continue niyo lang po ‘yung pagiging funny, continue niyo po ‘yung pagiging professional niyo po, dahil napakasarap niyo pong katrabaho.”

MORE ON 'ISMOL FAMILY':

#IdealFather: 12 reasons why Ryan Agoncillo is a perfect dad

EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, proud sa tagumpay ni Carla Abellana sa Alta Media Icon Awards