Showbiz News

#LoveBytes: Bianca Umali, ibinahagi ang kanyang chocolate cake recipe mula sa 'Usapang Real Love'

By BEA RODRIGUEZ

Mahilig mag-bake ang character ni Kapuso teen star Bianca Umali na si Grace Anne Manalo sa kuwento ng “Dream Date” ng Usapang Real Love.
 
Nahasa ang kanyang kaalaman sa kusina sa pagpapatakbo ng ipinamanang dessert shop mula sa kanyang yumaong ina kung saan kasama niya rito ang kanyang nakakatandang kapatid na si Lily Manalo. Proud na proud si Ninang Mercy sa matagumpay na negosyo ng magkapatid.
 
LOOK: What you’ve missed from the ‘Usapang Real Love’ pilot episode
 
Sa pilot episode ng pinakabagong interactive romantic-comedy series ng GMA, ipinatikim ng dalaga ang best-seller na Snap Sweets na “Mamshie’s Tablea Cake.” Ito ay mula sa original recipe ng kanyang ina.
 
Mukhang masarap ang chocolate cake na kanyang ginawa kaya ibinahagi ni Grace ang recipe sa Facebook page ng Usapang Real Love.

Marami pang Love Bytes ang ipapatikim sa atin ng dalaga, pati sina Diego Cablao at sexy Chef Yuan Samaniego kaya tutok lang sa susunod na episode ng “Dream Date,” mga Kapuso!
 
MORE ON 'USAPANG REAL LOVE':
 
WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, nagtitigan with feelings!

LOOK: ‘Usapang Real love’ headlines Bianca Umali, Miguel Tanfelix and Jak Roberto