Showbiz News

#MagpaFANsin: Bianca Umali, pinag-aagawan nina Miguel Tanfelix at Jak Roberto?

By BEA RODRIGUEZ

Team Diego o Team Yuan? 


Isang love triangle ang masisilayan sa mga susunod na episode ng Usapang Real Love Presents “Dream Date” kung saan tampok ang nakakakilig na tambalan nina Kapuso teen stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali kasama ang hunk actor na si Jak Roberto.
 
READ: #MagpaFANsin na kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa ‘Usapang Real Love’
 
Dahil sikat na online sensation si Chef Yuan at mahilig namang mag-bake si Grace, nagkrus ang kanilang landas sa pamamagitan ng isang “Win-a-Date with Chef Yuan” promo.
 
Ang pinsan ni Yuan na si Diego ang nag-asikaso ng lahat dahil busy sa kanyang racket bilang isang photographer ang sexy chef. Dito nagkakilala at nagustuhan ni Diego ang dalaga na siya mismo ang sumalo nang na-taken for granted si Grace ni Yuan.
 
LOOK: What you’ve missed from the ‘Usapang Real Love’ pilot episode
 
Crush ni Grace ang hot chef pero ano ang gagawin ni Diego upang makuha ang loob ng dalaga? Mauuwi sa isang fist fight ang magpinsan nang dahil sa dalaga.
 
Nakakabaliw ang eksena na ito! Gusto mo rin ba mapasama? Magpadala na ng inyong video sa Facebook ng Usapang Real Love kung saan pinapakita ang inyong best cheer para sa love team na gusto ninyo. Team Diego o Team Yuan ka ba? I-record na ‘yan at #MagpaFANsin na! 

MORE ON 'USAPANG REAL LOVE':
 
#LoveBytes: Bianca Umali, ibinahagi ang kanyang chocolate recipe mula sa ‘Usapang Real Love’
 
GMA to launch first-ever interactive rom-com series ‘Usapang Real Love’