Showbiz News

Bakit hihinto muna sa triathlon si Jennylyn Mercado?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa Sarap Diva, ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang kanyang health goal sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

IN PHOTOS: Ultimate Star Jennylyn Mercado, bumisita sa 'Sarap Diva'

Kuwento ng Ultimate Star, hindi na muna siya nagta-triathlon dahil may gusto siyang ma-achieve na weight.

"Hindi na ngayon Ate, kasi nagta-try akong mag-gain ng weight. Kaya nag-stop muna ako na mag-workout," saad ni Jennylyn kay Regine.

Nakakasama ni Jennylyn ang kanyang anak kahit na ito ay nagtatrabaho pero dahil sa pagtigil niya sa triathlon, mas nadagdagan pa umano siya ng oras para maka-bonding si Alex Jazz. 

"Sinasama ko na lang siya sa show ganyan. 'Pag shooting naman or taping, sa bahay lang talaga," kuwento ng Kapuso star.

MORE ON JENNYLYN MERCADO:

Jennylyn Mercado's new album, Ultimate, tops iTunes charts!

Jennylyn Mercado, naging malapit sa celebrity contestants ng 'Superstar Duets'