Showbiz News

Nadine Samonte cries foul over the use of her daughter's photos by another woman

By MICHELLE CALIGAN

Hindi natuwa si Nadine Samonte nang makita ang litrato ng anak niyang si Heather Sloane sa Facebook account ng isang Gerlie Joy Alegado. Mababasa sa post ng babae na nanganak daw siya noong October 1 ng isang baby boy, pero ayon kay Nadine, anak niya ang nasa larawan.

READ: Nadine Samonte gives birth to healthy baby girl


"I need to post this. I know everyone loves and like our daughter and naa-appreciate namin ['yun nang] sobra sobra. [Natutuwa] nga kami na madami din nagmamahal sa baby namin. [Okay] lang naman samin na gawin n'yo siyang profile pic or i-post n'yo 'sya," saad ng StarStruck alumna.

Pero pagllinaw niya, ibang usapan na raw kapag kine-claim ng iba ang kanyang anak. "[Wala] naman problema samin ['yun] pero I just don't like this post na sinasabi mo anak mo s'ya, it's not right. Pls stop doing this kasi hindi po siya nakakatuwa. Thank you!"

Ito ang orihinal na photo na nasa Instagram account ni Heather Sloane.


MORE ON NADINE SAMONTE:

LOOK: Nadine Samonte's baby, Heather Sloane, in her newborn photo shoot

READ: Bakit napaaway si Nadine Samonte dahil sa cheesecake?