Showbiz News

Rafael Rosell, negatibo sa ilegal na droga

By MARAH RUIZ

Bilang pagsuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga, nagkusang ipa-test ng talent manager na si Popoy Caritativo ang mga artistang hawak niya sa ilalim ng kumpaniya niyang Luminary Talent Management. 

Isa na rito ang Kapuso actor na si Rafael Rosell. Ibinahagi ni Popoy ang resulta ng drug test ni Rafael sa kanyang Instagram account. 


Negatibo si Rafael sa mga drogang cocaine, ecstacy, metamphetamine, opium at pati tetrahydrocannabinol o ang psychoactive compound na nakukuha mula sa marijuana. 

Matatandaang isa si Rafael sa mga sumusuporta sa pagsulong ng medical marijuana sa bansa. Bukod dito, vegan din siya.

MORE ON CELEBRITY DRUG TESTS:

LOOK: What's the result of Dennis Trillo's drug test?

WATCH: Solenn Heussaff, negatibo sa drug test